(Source: inlove-waiting)
(Source: dunksrnice)
(Source: inlove-waiting)
Alam mo yung masakit?
Yung tipong ang lapit-lapit niyo na sa isa’t isa. Hawak mo na siya, katabi mo, kasama mo na. Pero bakit pakiramdam mo ang layo-layo pa rin niya?
12/08/11
AHAHA! Natatawa ako sa isa kung friend na gusto kagad makuha ang isang babae. Tsssss. Sana ganun nga lang kadali ‘yun ‘no? Na kapag may gusto ka tapos ipinagtapat mo ang nararamdaman mo, sasabihin niya sa’yo, ‘Ako rin.’, diba ang sarap pakinggan? Sa mga salitang ‘yun, feeling mo nasa langit ka na. Kaya lang, sabi nga nila, ‘You can’t have the best of both worlds.’ Hindi naman lahat pwede mong makuha. Hindi lahat pwedeng maging sa’yo. Hindi naman pwede na sa lahat ng sasabihan mo na gusto mo siya, ang isasagot niya ay gusto ka rin niya. Minsan, oo, pwede. Pero mas maraming pagkakataon na hindi. Na kaibigan lang talaga. Na makuntento ka sa kung anong meron kayo ngayon. Na hanggang dun lang ang pwede niya talagang ibigay sa’yo. Pero naiisip ko, pano ‘pag pwede nga talagang palagi na ang gusto mo ay gusto ka rin? Siguro, masaya ang mundo ‘no? Walang malulungkot na tao. Walang umiiyak. Lahat nakangiti, lahat kinikilig. Lahat inlab. Napakaperpekto siguro ng buhay. Kaya lang, hindi ganun ‘yun eh. Hindi ganun kadali ang lahat ng bagay. That’s the reality of life. Sabi nga nila, ‘Ang buhay ay parang bato, it’s hard.’ Totoo naman. Kahit sa simpleng ganun na nga lang kailangang paghirapan mo pa rin. Maiinlab ka na nga lang, masasaktan ka pa rin sa bandang huli.
May nakapagsabi sa’kin, ‘Nagmahal kasi ako ng maling tao, kaya nasasaktan ako ngayon.’Sabi ko naman, ‘Hindi naman mali ang taong minahal mo. Yung oras, panahon at lugar lang ang mali.’ Tama naman hindi ba? Pagdating sa pagmamahal, ‘wag mong sasabihing nagmahal ka ng maling tao. Walang ganun. Lahat pwede mong mahalin. Hindi lang ito yung tamang oras, panahon at lugar para mahalin ka rin niya pabalik. Alam kong paulit-ulit na ‘tong sinasabi. Masakit na nga sa tenga minsan. Pero totoo naman kasi. ‘Ang pagmamahal, hindi hinahanap, hindi hinihintay. Ito ay kusang dumarating.’ Sa totoo lang, kahit masakit na tenga, naniniwala ako dito. Alam kong andyan siya para sayo. Alam kong darating siya para sayo. Hindi nga lang ngayon. Hindi bukas. Pero anong malay natin hindi ba, baka sa isang araw, sa isang buwan o kahit kailan pa man ‘yan, basta alam kong darating siya sayo, mamahalin ka niya at mamahalin ka rin niya.
sundotkulangott-deactivated2012 asked: Pag masamang tao yung lalake, papatayin ko siguro hahahaha. pero pag mabait naman,syempre mamahalin ko. Basta kahit sinong SMP diyan hahahahaha
ang masasamang tao pwede pa magbago. malay mo sila ang mahalin mo. :)